| Akala ko ba’y nalalaman mo at naiintindihan |
| Ako’y nagulat at natulala sa iyong mga iniasal |
| Sinong 'di mabibigla, sinong mag-aakala |
| Damdamin mo pala sa akin ay hindi na tulad |
| Ng dating damdaming puno ng paglalambing |
| Akala ko’y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin |
| Ngunit ngayon, hindi na naririnig |
| Ang mahal kita’y hindi na binabanggit |
| Paano ko ba haharapin at matatanggap ito? |
| Kung ikaw nga ay hindi na ang dating mahal ko, oh |
| Sinong 'di mabibigla, sinong mag-aakala |
| Damdamin mo pala sa akin ay hindi na tulad |
| Ng dating damdaming puno ng paglalambing |
| Akala ko’y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin |
| Ngunit ngayo’y hindi na naririnig |
| Ang mahal kita’y hindi na binabanggit |
| Oh, dating damdaming puno ng paglalambing |
| Akala ko’y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin |
| Ngunit ngayo’y hindi na naririnig |
| Ang mahal kita’y hindi na binabanggit |
| Ang mahal kita’y 'di na binabanggit |
| Hmm, hmm-hmm-hmm |
| Hmm, hmm-hmm-hmm |