Sana 'di mo na lang pala ako pinahintulutan
|
Na gawing inspirasyon ang katulad mo sa kasalukuyan
|
'Di naman sa mali ka diyan, ang mali ako’y umasa
|
Kaso lang ang masakit do’n ay hinayaan mo pa 'kong mamihasa
|
Sa pagmamahal na inaasam galing sa 'yo
|
Masyado naman atang hindi naging patas ang binungad mo
|
Kala ko kasi may tiyansa at malaki ang aking pag-asa
|
Na ang naging sanhi sa huli ay bigla ko na lang natamasa
|
'Yung gan’tong pakiramdam kung kailan 'di na maalis
|
Sa 'king isipan lalo 'yung mga araw na sobrang tamis
|
Na nating dalawa sa daan napakasaya na kung tignan
|
'Di mo lang pala agad sadyang masabi ang salitang 'yan
|
Sana nung panahon na hindi pa ganu’n kalalim aking pagtingin
|
Ay mas maiintindihan ko pa at tatanggapin
|
Sa 'king sarili na hindi ako 'yung gusto mong makasama
|
Du’n pa lang sa simula’y sana’y nagsabi ka na ng maaga
|
Sino nga ba naman ako sa 'yo
|
Para sagutin ang tulad ko
|
Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo
|
Na 'di ako ang gusto mo
|
Ba’t ngayon ko pa nalaman
|
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
|
Para 'kong magigiba
|
Sobra ka lang palang nahihiya
|
Na sabihin sa 'kin
|
Madali lang naman sabihin ang ayoko bakit pa kasi pinatagal mo
|
Umabot pa talaga sa puntong nahulog na 'ko sa 'yo
|
Pa’no naman yung nakaraan
|
Nung bigla mong hawakan ang kamay ko’t hinalikan
|
Dun pa lang alam ko na meron akong pag-asa
|
Ngunit wala pala
|
'Di ko na alam ang kasunod na nito kasi tayo ay masaya na
|
'Tas bigla mo na lang sasabihin sa 'kin na ayaw mo
|
Dapat una pa lang ay sinabi mo
|
'Di na sana umabot pa sa ganito
|
Minsan nakakainis lang isipin na parang 'di mo' ko kayang tanggapin
|
Sino nga ba naman ako sa 'yo
|
Para sagutin ang tulad ko
|
Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo
|
Na 'di ako ang gusto mo
|
Ba’t ngayon ko pa nalaman
|
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
|
Para 'kong magigiba
|
Sobra ka lang palang nahihiya
|
Na sabihin sa 'kin
|
Na 'di pala ako 'yung tipo mong lalaki
|
Tagal mong 'di sinabi
|
Hinayaan mo na maaksaya
|
'Yung mga bagay na tinuon ko
|
Para sa katulad mo na hiniling kong mapasa’kin
|
Hahamakin ang lahat malagyan ko lang ang ngiti mo
|
Ngunit hindi pa pala ako
|
Ang gusto mo na magtatanong
|
Kung «oo» ka ba sa 'kin
|
Bakit ngayon mo lang inamin
|
Kung kailan napapamahal na ako sa iyo
|
Ng totoo hindi naman kasi dapat nagkakaganito
|
Sana man lang inisip mo ang pakiramdam ko
|
Sino nga ba naman ako sa 'yo
|
Para sagutin ang tulad ko
|
Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo
|
Na 'di ako ang gusto mo
|
Ba’t ngayon ko pa nalaman
|
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
|
Para 'kong magigiba
|
Sobra ka lang palang nahihiya
|
Na sabihin sa 'kin
|
Sino nga ba naman ako sa 'yo
|
Para sagutin ang tulad ko
|
Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo
|
Na 'di ako ang gusto mo
|
Ba’t ngayon ko pa nalaman
|
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
|
Para 'kong magigiba
|
Sobra ka lang palang nahihiya
|
Na sabihin sa 'kin |