| Batang-bata ka pa at marami ka pang |
| kailangang malaman at intindihin sa mundo |
| Yan ang totoo |
| Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay |
| ay isang mumunting paraiso lamang |
| Batang-bata ka lang at akala mo na na alam |
| mo na ang lahat na kailangan mong malaman |
| Buhay ay di ganyan |
| Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw |
| ay isang musmos lang na wala pang alam |
| Makinig ka na lang makinig ka na lang |
| Chorus |
| Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan |
| Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman |
| Makinig ka sa 'king payo pagkat musmos ka lamang |
| At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian |
| Batang-bata ako nalalaman ko 'to |
| Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan |
| Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan alam |
| ko na may karapatan ang bawat nilalang |
| Kahit bata pa man kahit bata pa man |
| Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan |
| Sariling pagraranas ang aking pamamagitan |
| Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay |
| Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata |
| Batang-bata ka pa at marami ka pang |
| kailangang malaman at intindihin sa mundo |
| Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan |
| Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman |
| Sariling pagraranas ang aking pamamagitan |
| Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay |
| ay isang mumunting paraiso lamang |
| la la la la la la |
| la la la la la la (fade) |