| Napakaraming guro dito sa amin ngunit |
| Bakit tila walang natira |
| Napakaraming nurse dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas |
| Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas |
| Nauubusan ng batas parang inamag na bigas |
| Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas |
| Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas |
| Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas |
| Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas |
| Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas |
| Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli |
| Ang pahingay iipunin para magamit paguwi |
| Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri |
| Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti |
| Ng anak na halos di nakilala ang ama |
| O ina na wala sa tuwing kaarawan nila |
| Darating kaya ang araw na ito’y magiiba |
| Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na Napakaraming inhinyero dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Napakaraming karpintero dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan |
| Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran |
| Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan |
| Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan |
| Isasanla lahat ng kanilang pag-aari |
| Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari |
| Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano |
| O barko kahit saan man papunta. |
| Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso |
| Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso |
| Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino |
| Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino |
| Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro |
| Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo |
| Darating kaya ang araw na itoy magiiba |
| Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na |
| [Sheng Belmonte |
| Napakaraming kasambahay dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Napakaraming labandera dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| Subukan mong isipin kung gaano kabigat |
| Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat |
| Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila |
| Lalayo upang magalaga ng anak ng iba |
| Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo |
| Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo |
| Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to |
| Basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko |
| [Sheng Belmonte |
| Napakaraming guro dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Napakaraming nurse dito sa amin |
| Ngunit bakit tila walang natira |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Nagaabroad sila |
| (Gusto kong yumaman4x) |
| Napakaraming tama dito sa atin… |
| Ngunit bakit tila walang natira… |