| Ano naman kung naiba |
| Ang pamantayan ba nila |
| Ang susundin natin, 'di ba |
| 'Wag mong hayaan na sila |
| Sa buhay mo na magpasya |
| Du’n ka kung sa’n liligaya |
| Iba-iba man ating kulay |
| Iba man gusto sa buhay |
| Kung saan tunay ka na masaya |
| Hayaan mo sila |
| 'Wag kang matakot sa sasabihin ng iba |
| Sa mundo na mapanghusga lahat ay pinupuna |
| Palayain lahat ng nadaramang bigat |
| Sarili ay unahin na |
| Piliin na sumaya, hoh ohh ooh |
| May mga tao talaga sa 'yo hihila pababa |
| Wala tayong magagawa |
| Sadyang ganyan na lang sila |
| E kasi hindi kayo parehas ng opinyon mo |
| 'Di estado mo sa buhay |
| Tanging magpapatunay |
| Kung anong meron ka at sino ka |
| Hayaan mo sila |
| 'Wag kang matakot sa sasabihin ng iba |
| Sa mundo na mapanghusga lahat ay pinupuna |
| Palayain lahat ng nadaramang bigat |
| Sarili ay unahin na |
| Piliin na sumaya |
| Pakinggan mo ang laman ng puso’t isip mo |
| Anuman ang piliin 'wag nating tratuhin |
| Iba siya sa atin |
| Kailan kaya na matatapos 'to itong gan’to |
| Mga panghuhusga n’yo |
| Bakit 'di n’yo na lang pag-isipan ang mga sasabihin n’yo |
| Bakit ba lahat na lang merong puna |
| Bakit ba lahat na lang 'di maganda |
| Sana inyo ring isipin |
| Ang damdaming nararamdaman nila |