| Alas dose nung tanghale, ika-anim ng Marso |
| Inaantok na ko galling sa trabaho |
| Mensahe ni ermats patay na si Kiko |
| Sinundan pa ng isa, hindi na to biro |
| Sa kaibuturan na utak ko may pumutok |
| Bumukol ang lalamunan at di ko malunok |
| Dumating na ang araw na aking kinatatakutan |
| Wala na siya, iniwan niya ko, di ko inabutan |
| Pag-uwi ko binuksan ko ang telebisyon |
| Nakita ko si Gloc, si Dice, Hi-C, Clumsy at si Ron |
| Lumuluha tulo sipon, bakit ko pa kasi in-On |
| Pagtadhana ang nagbiro talagang ika’y mapipikon |
| Kalagayan mo’y grumabe |
| Yun ang unang beses akong nakapagsabe ng I love you sa lalake |
| Ang daming pwedeng mamatay, bakit pa ikaw? |
| Tinakpan ko ng unan ang muka ko sabay sigaw |
| Sabay din ang ihip ng hanging habagat |
| KKK parang dating watawat |
| Kikong Kalye ng Kalentong maraming salamat |
| Naisakatuparan ko ang aking pangarap |
| Ikaw ang hari ng rap, ikaw ang tunay na king |
| Nung namatay si Michael Jackson wala nang dating |
| Lumuha lahat ng tala kasabay ng iyong pagpanaw |
| Wala raw kapalit ang tatlong bituin at isang araw |