Patuloy ang ikot ng kamay ng orasan
|
Ngunit sa bawat isang segundo ay maraming kaganapan
|
Na ayaw mong mangyari sa '€˜yo o sa kamag-anak mo
|
Masasamang elemento na nasa kanto
|
Mag-ingat ka '€˜pagkat hindi ka pa nakakasiguro
|
Kung ano mang maaaring gawin sa '€˜yo ng diablo
|
Biktima ng karahasan sa lansangan
|
Sa tahanan o kahit saan pa man
|
Sumigaw ka man nang malakas, pa'€™no kung oras mo na
|
Maging isa sa mga naging biktima
|
Ng mga buwitre na nagtatago sa dilim
|
Isang saglit lamang ay hahatakin kang pailalim
|
Katarungan ay '€˜di makita'€™t nawawala pa
|
Lumipad ang tingga, wala ka nang magagawa
|
Bakit patuloy pa rin ang paglaganap ng dahas
|
Kahit kaya sa loob ng 24 oras
|
CHORUS
|
Mga pangyayari sa loob ng 24 oras
|
'€˜Pag hindi ka nag-ingat, '€˜yun na ang iyong wakas
|
Mga pangyayari sa loob ng 24 oras
|
Kapag ikaw ay minalas, magiging biktima ka ng dahas
|
Kailan kaya matatapos, kailan kaya mahihinto
|
Mga krimen madalas maganap, talagang nakakalito
|
Sa loob ng 24 oras nagaganap (ha)
|
Malagim na pangyayari, kay bilis na lumalaganap
|
Katulad ng holdapan, rape at massacre
|
Isang oras lang ang pagitan, may sumunod agad na murder
|
Napagtritripan sa mga madilim na daan
|
Sa liblib na eskenita, may nakitang duguan
|
O, ang hustisya ay walang humpay na hinahanap
|
Pagpatay sa kapwa, ito'€™y lumalaganap
|
Sa paligid rat-tat-tat-tat lumiligid
|
Ginahasa, kinawawa, ibinigti sa lubid
|
Ang kawawang pobre, binugbog at kinuryente
|
Natagapuang patay, nakalathala sa Abante
|
Tatlong taong gulang, ginahasa ni tatang
|
Nakitang patay sa ilog at lumulutang
|
Rambulan sa kanto, kalye'€™y parang impyerno
|
Nagmistulang parang gera, nagkalat ang mga dugo
|
Ang dami nang nadamay sa mga inosenteng kapit-bahay
|
Maagang naulila ang kanilang mga tatay at nanay
|
Dahil sa biglaang panghahalay
|
Kanilang mga anak, biglang naging malamig na bangkay
|
Talaga ang hirap kapag naipit sa gulo
|
Wala ng eksplinasyon, dehins ka pwedeng magrekalamo
|
Bumawi ka na lang kung meron kang nakikilala
|
Laking malas mo lang kung wala talagang pasensya
|
Lahat ng pangyayari, nagsimula lang sa inuman
|
Nagkaroon ng diskusyon at nauwi na sa alitan
|
Saksakan at bugbugan kanilang binagsakan
|
Dati-rati'€™y magtotropa, ngayon ay nagtablahan
|
Nagkainitan dahil lamang sa mga biruan
|
Pagkatapos magkapikunan, krimen ang hinantungan
|
Pagkaawa-awa, hindi man lang naawa
|
Laslas ang leeg, nakalabas pa ang dila
|
Sa katotohanan na ating nararanasan
|
Humanap ka ng paraan kung pano mo matatakasan
|
Ang panganib na naghihitay na sumalakay
|
Hanggang ika'€™y matagpuan duguan at nakaratay
|
Sa sariling dugo; |
magsikap kang makalayo
|
Sapagkat '€˜pag ika'€™y kinapitan, bigla ka na lang, yo, maglalaho
|
Ang daming pwedeng mangyari, talagang sadyang magulo
|
Basta'€™t krimen ang usapan, lahat na lang talu-talo
|
Mahirap o mayaman, may kaya o wala
|
Basta'€™t nakursunada sa dilim, siguradong tepok ka
|
Kaya'€™t kung sinong naabala, lusot, walang sala
|
Walang nakakita kaya'€™t ngayo'€™y sya'€™y nakatawa
|
Kay bilis ng mga pangyayari, biktima'€™y inabot ng malas
|
Ito'€™y naganap lamang sa loob ng 24 oras |