Информация о песне На данной странице вы можете ознакомиться с текстом песни Arál, исполнителя - Loonie.
Дата выпуска: 17.12.2023
Язык песни: Тагальский
Arál |
May isang manunula\nGaling sa dilaw, puti, asul, pula\nMakamandag kapag dumudura\nPunong puno na yung mga pumupuna\nWag puro kuda\nPag nakatutok tyak matututo ka\nKayang tumugma kahit natutulog pa\nBawat rima siksik sa pulbura\nKada may ibabagsak parang bomba\nNaglalaman ng nuklear yung nukleo at mga kromosoma\nParang oso na nakalunok ng coca\nAral na parang meron toga\nAlam ko kung kapos o sobra o kung san babagsak yung bola\nMarkang iniiwan ay may bilang kaya di lang puro salita\nMeron pang aral na di mo mapupulot sa iba\nUnipormeng pinaglumaan upuan na sinulatan\nPag-aralan para di bulag saking kinamulatan\nPara malaman mo na yung mga labi mo’y bagay sa talampakan ko\nPuno ng kumpyansa kaya ang mukha ko lalong kumapal\nDi lang kinabisado talagang aral kaya tumagal\nBaon ko’y mga letrang pang eskrima\nGamit ang de kahoy na pluma ng sinaunang eskriba\nInukit ng kanang kamay ni shiva\nTagapaghatid ng mga pangmesiyas na propesiya\nIsa-isang inupuan, mga gawaing-bahay\nRamdam ko na hanggang sa batok ko, nakakangalay\nWala mang agarang gantimpala, makikibagay\nSampung libong oras ang sinadyang pagsasanay\nDi lang to basta mairaos\nHakbang kelangang isaayos\nEto na yung napiling sapatos\nMula edad disi sais anyos\nLangoy hangga’t di humahangos\nSa pagsagwan, hindi natatapos\nBakasakaling makagawa ng dalawang alon sa iisang agos\nGarantisadong may basbas ng Maykapal\nSinamahan ko ng kilos ang gramo gramong dasal\nPataas lang ang buga parang bunganga ng taal\nDi lang basta praktisado, talagang aral\nKilalang hibang klase ang superego, Sigmund siko-analitiko\nPuwersa ko mala-Enki, subersibo, Anunnaking siyentipiko\nTungkulin kusilbahin ang sining gamit retorika’t diyalektiko\nKahit sarili ko lang ang kausap ko, anumang lalim ay sisid ko\nPalabirong ito, napakapilyo, dating lagi lang happy-go-\nLucky 'to hangga’t sa mommy ko, matigok, buhay nahinto, naging rocky road\nMapait na matamis, na 'di mo maintindihan, ba’t nangyayari 'to\nAnumang mangyari mangyayari 'to, kaya sulitin ang oras habang narito\nSaksi ko si Asherah, inang kalikasan ang power up\nKasikatan ang handicap, katibayan ang magic lamp\nBa’t pinanganak? matik rap, natural, pati acting chops\nChoppy flow niyo tunog Charlie Chaps habang godly flow 'to kumbaga Great Flood\nMula pa sa Tusita, bumisita saglit bilang turista\nIlang ulit na, naulila, sa mundong puro oportunista\nMasokista na Budista, gabayan pati mga manunuligsa\nMarunong gumitna, talagang aral, may pagka-Da Vinci pa kung puminta (brraa)\nMinani ko ang Mensa exam, mala Nikola Tesla\nPag inunat ang utak kayang palibutan ang Edsa\nMga obra maestrang parang ipinasok sa selda\nHabang reclusion perpetua na ang hinarap kong sentensya\nSinghaba ng dinaanan ko hinanda kong pasensya\nMichelangelo Buonarroti nung tinatapos ang Pietà\nBawat piraso ng letra mala Picasso ang pyesa\nPag ganyan kataas ang halaga, malamang di ganong mabenta\nPero di ko habol ang pera, preparado sa giyera\nKabisado ang laro parang beteranong atleta\nKilalang tigabago ng meta, delikado ka repa\nMagpasalamat ka nakulong ako at nakapagpahinga nung pandemya\nBiglang nag iba yung eksena, daming mga batang umentra, tanda ko na yata punyeta\nDinaan ko na sa eksperyensya\nNapakatagal naming sinaliksik ang sistema\nTalagang aral kahit ibahin pa ang eskwela |