| Kuha kita kaya ako ay didistansya na |
| Sobrang dami na 'di ko alam kung ako ay magkakasya pa |
| Sanay 'tong mag-isa, kaya si Ann ay 'di na nagtataka |
| At 'pag kasama s'ya'y nagiging isa ang mundo naming dalawa |
|
| Tanging pantasya nya, ang makita ng karamihan na ako ay naiiba |
| Hayaan mo sila, 'ka ko |
| 'Di para sa lahat ang mga likha ko |
| Pero 'pag nakita ng mga gago ang pagmumukha ko hinihingi aking litrato |
| Wala ng oras magreklamo |
|
| Buti may umaakap sa aking pag-uwi, parang imago |
| Kahit madalas nasasabihan na suplado |
| Ngingiti pa rin sa pitik nyo |
| Pasensya na kng 'di masyadong kwela gaya ni Sinio |
|
| Pero 'di mo makikitang galit sa bidyo |
| Kinamulatang lugar ay parang Skid Row |
| Bata pa lamang nalaman kong buhay ko'y hindi pang-kid's show |
|
| Pa'no mo nasabing ako ay maswerte |
| Baon ko sa kolehiyo ay laging bente |
| Nakakain lang ng masarap tuwing Disyembre |
| Ngayo'y parang Jalen kinukubra ay berde |
| Walang pinagkaiba ang tsamba sa swerte |
| Noon pa ma'y 'di na ako dyan nakadepende |
| Aking taktika sa buhay ay parang chess, pre |
| At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, press play |
| Yeah |
|
| S'ya nga pala ako ang nagmamay-ari nito |
| Makinig ka lang at makukuha mo rin sa akin ang sikreto |
| Makikita mo ang blueprint kahit nakapikit ka pa, 'ka ko |
| Sa kalayaan ito padako |
|
| IQ sa laro parang si 23 |
| Mga gawa ko'y hot and spicy parang Tunechi |
| 'Di na kailangang mangulekta pa ng pussy |
| Pihikan kahit katumbas nito ay Gucci |
|
| Sa halip sinibak ay biyaya, kailangang sagarin |
| 'Dami ko ng mali sa buhay buti nagkatama rin |
| Lasap ko ang tamis ng pagod, 'yoko ng tamarin |
| Naglakad, nagpedikab at nag-jeepjop, nakarating |
|
| Pakitaasan yung adbans ko dahil buffet 'to at hind 'to desert |
| Presyong panghimagas sa album, 'di ko yan deserve |
| Inoobserbahan ko langang laro habang busy sa merch |
| Theartistco, subukang i-search |
|
| Kung sasabihin mong arogante ako, pwes, opinyon mo yan |
| Kung 'di mo gusto mga nakikita mo, pumikit ka na lang |
| Mag-disconnect ka sa net o kaya itulog o na yan |
| Magbilang ka ng tupa tutal gano'n ka naman |
|
| Habang ako, nag-igib, nagdilig, tinikom ang bibig |
| Dumistansya sa socmed |
| Sa anihan ang kitaan, kapatid |
| Pinunlaan ang talento, binuhusan 'di nagtipid, kaya |
|
| Pa'no mo nasabing ako ay maswerte |
| Baon ko sa kolehiyo ay laging bente |
| Nakakain lang ng masarap tuwing Disyembre |
| Ngayo'y parang si Jalen kinukubra ay berde |
| Walang pinagkaiba ang tsamba sa swerte |
| Noon pa ma'y 'di na ako dyan nakadepende |
| Aking taktika sa buhay ay parang chess, pre |
| At kung ayaw mong maniwala sa akin, sige ito, press play |
| Press play |
|