
Дата выпуска: 17.11.2019
Возрастные ограничения: 18+
Язык песни: Тагальский
P's Song |
'Di ko alam kung pano sisimulan |
Itong aking tula medyo mahirap hirap ang |
Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat |
Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto |
Nung una kitang makita |
Ika’y nakaupot umiiyak tapat ng aming eskinita |
At parang mukha kang depressed non |
At iniisip ko baka ikaw ay ninakawan ng cellphone |
At diba tinanong ko ang iyong pangalan |
Sabi mo hindi ka interesado sabi ko wag na nga lang |
Suplada ayaw magpakilala |
Pagkaraan ng isang oras ay sinundo ka ng iyong syotang |
Naka kotse, kagalang-galang |
Ako’y pobre ngunit utak ay mayaman |
Kung naging sakin ka lamang di kita iiwan |
Hanggang sa huli ikaw ay aking aalagaan |
(Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
Oh ikaw ba yon ang sexy at san kaya punta? |
Nalalanghap ko rito banda ang sampaguita |
Yung pabango kahit ako’y pango amoy kita |
Habang tinitignan ko ang kislap ng iyong mga mata |
Ngunit ito’y nawawala sa tuwing ako’y lalapit na |
Di naman kita babastusin ba’t nagagalit ka? |
Ibibigay ko lang 'tong panyo mo nahulog mo yata |
Pang punas ng luha kung di ka bagsakan ng grasya |
Tinatanong ko muli ang iyong pangalan |
Di ka sumasagot patay malisya lamang |
Ako ay nalungkot dalawang beses na yatang |
Dinededma ang tanong na 'to ngunit parang |
Di ka masaya sa tuwing kasama mo sila |
Sila, sila, sila, oo |
Iba’t-ibang mukha |
Sumusundo sayo at pawang naka kotse pa |
Sige ingat sayo hintayin ko ang iyong pagbaba |
(Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
Bakit ba ang hilig mo sa iba’t-ibang mga lahi? |
Nagpapaalipin ka sa kung kani-kaninong hari |
At masaya ka raw kunwari ugh |
At nakatiis ka sa pinaka mabahong ugali |
Putanginang mga dayuhan na yan |
At ika’y walang sawang pinagsamantalahan |
Ngunit wala lang sayo yon dahil dun ka nakakakuha ng |
Luho mo at balang araw ay kanyang huhubaran |
Hanggang sa wala ka nang ibang mapupuntahan |
Kukunin nila lahat sayo kahit pa piso man yan |
Hanggang sa wala ka ng madudukot sa iyong bulsa |
Kundi ang iyong dignidad pati pamato’t panabla |
Hangad ko lamang ay makilala ka |
Bakit ba kailangan papahirapan pa |
Ako? |
Biglang tumulo luha mo sabay punas, sabi mo |
Pangalan ko pala ay Pilipinas |
(Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
Woaah woaah |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
Woaah woaah (kapit lang…) |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
Woaah woaah (kapit lang…) |
Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
Название | Год |
---|---|
Ongchingco | 2020 |
Bat Ngayon?, Pt. 1 | 2021 |
Inday ft. CLR, Denial RC | 2019 |
Fiesiesta | 2023 |
Bat Ngayon?, Pt. 2 | 2019 |
Nisila | 2019 |
Daan ft. Syke, CLR, Droppout | 2020 |
Iafls | 2018 |
Litrato | 2019 |
Cain | 2019 |
Basura | 2022 |
Panipi | 2022 |
Truest | 2024 |
Contra | 2023 |
Sindihan | 2022 |
Rest Day | 2018 |
FSTN | 2021 |
Laya | 2020 |
Yokona | 2019 |